LUNGSOD NG SAN FERNANDO — May anxiety? Stress? Nabu-bully? Naabuso?
May problema sa pamilya? Sawi sa pag-ibig? O kailangan ng taong makakausap?
Kabalen, hindi ka nag-iisa.
Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ngayong Martes, Hunyo 30, Pampanga Provincial Care and Counseling Center — isang safe space para sa mga kabataang Kapampangan na may pinagdaraanan sa buhay.



Layunin ng center na magbigay ng malasakit, gabay, at suporta para sa mental health, holistic care, at social well-being ng mga kabataan at pamilyang nangangailangan.
Pinangunahan ang pagbabasbas at pagbukas ng pasilidad nina Gov. Lilia “Nanay” Pineda, Vice Gov. Dennis “Delta” Pineda, mga board members, at mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Commission on Human Rights, Department of Labor and Employment. Jose B. Lingad Memorial General Hospital, at Pampanga State University, at mga opisina ng Kapitolyo SWDO, PHO ang blessing at opening ng nasabing pasilidad.
Sa center na ito, maaaring makakuha ng iba’t ibang serbisyo tulad ng: psychiatric consultation at medication prescription, psychotherapy at counseling, linkage sa social services sa tulong ng DSWD at PSWDO, legal support at protection katuwang ang PNP at CHR, livelihood programs at family support sa tulong ng DOLE.



Ang Pampanga Provincial Care and Counseling Center ay nasa likuran ng OFW Hospital sa Barangay Sindalan.
Sinumang nangangailangan ng serbisyo ng center ay puedeng makipag-ugnayan lamang sa inyong mga school counselor, state and private universities and colleges mental health units/ offices, o kaya naman sa inyong barangay social worker. Pampanga PIO/Photos: Daniel Ombina



