Home Headlines P30-K premyo sa 26-anyos na nagpatuli

P30-K premyo sa 26-anyos na nagpatuli

725
0
SHARE
“Tuli na ako!” Buong pagmamalaking ibinandera ng 26-anyos na si Al. Kuha ni Armand Galang 

LUNGSOD NG GAPAN CITY – Isang 26-anyos na binata ang nakapag-uwi ng P30,000 mula kay Mayor Joy Pascual matapos siyang maitala bilang pinakamatanda sa mahigit 600 na nagpatuli sa Operation Libreng Tuli na ginanap sa Congressman Emerson Pascual Convention Center dito nitong Mayo 5.

Ayon kay Al, residente ng Barangay Bayanihan, hindi siya nakapagpatuli noong siya ay bata dahil sa takot. Lima silang lalaki sa magkakapatid, aniya, subalit siya lamang ang hindi nagpatuli.

“Ngayon ay natuli na po ako, salamat kay Mayor Joy sa suporta,” ani Al. Itutulong daw niya sa pamilya ang natanggap na halaga.

Isang 73-anyos na binata rin mula sa Barangay San Nicolas ang nagtungo sa lugar upang magpatuli subalit hindi naging matagumpay.

Ayon kay Pascual, lumabas sa pagsuri ng duktor na may congenital condition sa private parts ng lalaki kaya’t hindi ito maaaring tuliiin sa labas ng ospital.

Gayunman ay binigyan na rin ito ng P5,000 na konsolasyon.

Isa namang 21-taong-gulang na dumayo mula bayan ng San Antonio ang nakatanggap ng P5,000.

Upang maalis ang takot sa mga bata ay mayroong pinanood na palabas sa wide screen. Mayroon ding libreng ice cream, hot dog at soft drinks para sa merienda at photo booth.

May kumpleto na rin na pang-isang linggong gamot.

“Para po sa akin napakahalaga po ng libreng tuli dahil siyempre sa hirap po ng buhay makakamenus po ‘yung mga magulang,” ani Pascual bukod pa aniya sa tulong pangkalusugan.

“Kasi sa kalinisan din ng bata, hygiene problem saka sa pagtanda po nila, bilang isang lalaki di ba maganda ping patunay na isa kang tunay na lalaki kapag natuli na,” ayon pa sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here