Home Opinion Halalan ng PELCO director sa Bayan ng San Simon

Halalan ng PELCO director sa Bayan ng San Simon

1948
0
SHARE

1.

Halalan na namang muli para sa pagka-director

ng PELCO 3 para dito sa may bayan ng San Simon

sa darating na Sabado itinakda ang eleksiyon

March 28 alas otso hanggang alas tres ng hapon

at ito ay gaganapin sa San Simon Central School

tapat ng seven eleven sakop mismo ng Poblacion

2.

Ang dalawang maglalaban para sa nasabing pwesto

si mister Emilio Cortez at si direc “vroom vroom” Bravo

ang kanilang kapalaran ay depende sa boboto

dahil sila ang pipili ng kanilang iboboto

kung sino man sa dalawa ang papalaring manalo

sana naman ibigay ang nararapat na serbisyo

3.

Wag na sanang maulit ang nangyari sa nakalipas

na kung saan ang ilan sa mga miembro’y napahamak

nang sila ay magoyo ng trabahador ng Metrolight

sub-contractor ng PELCO 3 na tila magkakasabwat

nag-alok sa mga tao ng kuryenteng de-kalidad

na kung saan diumano ay mayrong 10 percent discount

4.

Natural ang mga miyembro ay makumkumbinsi nila

sa alok ng mga itong sadyang nakakahalina

nagbayad ang mga tao na kanilang nabiktima

diumano dahil na rin sa makakatipid sila

di naglaoon, ay sila rin ang magpapahuli pala

na kung pakaiisipin ay HULIDAP nga talaga

5.

Ang lahat ng nahulidap sa ngayon ay nagbabayad

ng backbilling na sa tao na hinuli ay pabigat

kung di sila tatalima kakasuhan nilang lahat

ang kanilang biktima ng kasong anti-filperage act

at ang nakapanlulumo wala man lamang naglunsad

masusing imbestigasyon upang ito ay masiyasat

6.

malay ba ng mga taong gagalawin ang kontador

nitong mga kontratista na may kagagawan noon

ang mga taong biktima sa may bayan ng San Simon

ang inaasahang tutulong ay di man lamang umaksiyon

sana man lang nagsagawa sila ng imbestigasyon

o kaya ay nangalap ng importanteng impormayon

7.

Sa lahat ng consumer sa beinte otso ng Marso

piliin ng mahusay kung sino ang dapat iboto

hindi yung puro salita na hindi naman totoo

na sila ay maglilingkod ng tapat sa mga miyembro

ang dapat na tangkilin maging director ng PELCO

ay yung may paninindigan at matatag na prinsipyo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here