Zombies, white lady, manananggal makikita sa Bataan

    520
    0
    SHARE

    BALANGA City- Binuksan Lunes ng gabi sa isang sulok ng abalang kalsada sa lungsod na ito sa Bataan ang display ng ilang karaniwang nagiging simbolo ng katatakutan sa mga Pilipino.

    Mamamalas ang mga zombies, white lady, manananggal at iba pang katatakutan sa isang platform sa tabi ng MacArthur Highway. Sinabi ni Jimmy Mangalindan, local radio broadcaster, na sa nakalipas na iang taon na ay ginagawa niya ito. “Ito’y bilang paggunita sa mga namayapa at tuloy magsilbing kasiyahan sa mga nagpupunta sa Bataan dahil sa nalalapit na Halloween at undas,” paliwanag ni Mangalindan.

    Sa unang gabi pa lamang ay marami ng batang nanuod na ang ilan ay napaiyak pa sa takot. Pati mga nakakatanda ay hindi maiwasang mapahinto at mapatingin. umagsa naman Miyerkulesng hapon ang maraming tao  sa Plaza Mayor de Balanga kung saan nagsimulang makita ang katatakutang mga display para sa nalalapit na Halloween at undas.

    Tila mga chaca dolls ang mamamalas sa harap ng apat na palapag na Galeria Victoria at maging sa center island sa tapat ng St. Joseph Cathedral na ang harapan ay may malalaking rebulto ng mga santo. Sa palibot ng plaza, nakabitin sa mga poste at punong-kahoy ang mga bungo na suot ang flowing black robes. Ito rin ang naka-dsplay sa harap ng Balanga City hall/ library na malapit sa Plaza Center Mall at Plaza Hotel.

    Si City Administator Rudy de Mesa sa utos ni Mayor Jose Enrique Gaqrcia III ang punong-abala sa selebrasyon ng Halloween sa lungsod. Kapansin-pansin ang matataas na gusali na may pare-parehong kulay at disenyo ng facades na nasa gitna ang plaza.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here