Home Headlines EARIST, nakikiisa sa mas pinalakas na adhikain ng KWF para sa wikang...

EARIST, nakikiisa sa mas pinalakas na adhikain ng KWF para sa wikang Filipino

163
0
SHARE

Bumisita at nakipagpulong ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Eulogio ‘Amang’ Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) noong 18 Pebrero 2026 upang ihain ang mithiin at panukalang magtatag ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa pamantasan at upang higit pang pagtibayin ang ugnayan ng KWF at EARIST sa pagtataguyod ng wikang pambansa at kulturang Pilipino.

Pinangunahan ni KWF Tagapangulo Atty. Marites A. Barrios-Taran, kasama si Komisyoner Benjamin M. Mendillo Jr, ang opisyal na pagbisita at pakikipagpulong kay EARIST  Pangulo Rogelio T. Mamaraldo.

Personal ding nilibot nina Barrios-Taran at Mendillo ang mga silid-aralan upang makahalubilo ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ipinakilala ng dalawa ang mga programa ng komisyon na naglalayong mas mapalapit ang wikang pambansa sa mga kabataan.

Layunin ng pagtatayo ng SWK na maging magkatuwang ang KWF at EARIST sa pagpapatupad ng mga programang pangwika, pananaliksik, at proyekto na magpapayaman sa kultura at identidad ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here