ORANI, Bataan- Hindi mahulugang karayom ang plaza rito at palibot nito sa dami ng taong sumaksi sa pagpapailaw ng 30-foot Christmas tree at ng makukulay na Christmas lights sa paligid.
Mula sa pusikit na kadiliman, sumambulat ang liwanag mula sa Christmas tree sa harapan ng munisipyo at iba’t-ibang bahagi ng plaza na halos ulo ng nagsisiksikang mga tao ang makikita. Gawa sa recycled materials ang matayog na Christmas tree.
Habang pumapailanglang ang mga Christmas carols, napuno naman ang kalangitan ng sari-saring hugis at kulay
mula sa fireworks display. Bago ang countdown sa pangunguna ni Mayor Benjamin Serrano, Jr., walang hinto sa palakpakan ang mga tao at libang na libang sa isang magician na nagpamalas ng kakaibang galing.
Tulad sa Balanga City, bisita rin dito si dating Senador Manuel Villar.