Dikya dumarami sa Bataan

    530
    0
    SHARE

    BALANGA CITY – Nagpaalaala nitong Biyernes ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na mag-ingat sa mga dikya matapos magsimulang lumitaw ang mga kawan nito sa bahagi ng Manila Bay sa Orion, Bataan.

    Sinabi ni Danny Abrera, hepe ng BFAR sa Bataan, na karaniwang nakikita ang mga itim na dikya sa dagat ng Balanga City at bayan ng Limay bukod sa Orion kapag panahon ng tag-araw.

    “Pinapayuhan natin ang mga naliligo sa dagat lalo na ang mga bata na huwag hihipuin ang dikya dahil makati ito,” sabi ni Abrera.

    Ayon naman kay Darwin Hatol, isang mangingisda sa barangay Puting-Buhangin sa Orion, dumarami ang dikya kapag magma-Mahal na Araw. “Iniiwasan namin ito dahil kapag nasama sa lambat at tumilamsik ang katas, napaka-kati ito,” sabi nito.

    Kabilin-bilinan ni Bobs Serrano na huwag na huwag gagalawin ang dikya dahil may katas na lumalabas diumano sa pinaka-puwit nito na nagdudulot ng kati. “Kapag hinawakan, may lumalabas na katas na pinaka-kati nito,” sabi ni Serrano habang namimingwit.

    Hindi nakatiis ang kasama nitong batang kapatid na nagsabing “kapag tinapakan, lumalabas ang katas nitong makati.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here