DINALUPIHAN, Bataan – Inilawan na Miyerkules ng gabi ang magagandang Christmas décor sa plaza ng Dinalupihan, Bataan na tampok ang mataas at makulay na Christmas tree na nasa ilalim ang malaki at magandang belen.

Pagkatapos ng “panuluyan”, bigla na lamang nagliwanag ang madilim na plaza at tumambad ang iba-ibang palamuting Pamasko tulad ng malalaking parol at iba pang Christmas décor.

Pinukaw ang tahimik na gabi ng mga makukulay na pailaw.
Bumati sa maraming taong dumalo sina Mayor Tong Santos, Congresswoman Gila Garcia at Gov. Jose Enrique Garcia III. (30)



