370th Araw ng Samal ginunita

    508
    0
    SHARE
    SAMAL, Bataan- Isang mahabang parada ang ginanap nitong Lunes ng umaga bilang paggunita sa 370th Araw ng Samal, isa sa 11 bayan at isang lungsod sa Bataan.

    Naging isang munisipyo ang Samal noong Abril 20, 1641 sa ilalim ng patron saint nitong Saint Catherine of Sienna.  Sapagka’t natapat na Miyerkules Santo ang Abril 20, iniusod ang pagdiriwang noong Lunes.

    Lahat ng sector ng lipunan sa Samal ay nakiisa tulad ng mga senakulista na nagtanghal noong Biyernes Santo. Sumakay si Mayor Gene dela Fuente sa karosang itinatampok ang kasalukuyang inaayos na munisipyo. Naka-suot ng terno ng babaing Pilipina ang kauna-unahang babaing punong bayan ng Samal.

    Nagpasigla ang walang sawa sa pag-indak na mga street dancers. Lumahok ang mga kinatawan ng 14 na barangay tulad ng mga kapitan, kagawad at tanod. Naroon din ang mga kababaihan lalo na ang mga kasapi ng barangay health workers.

    Lalo ng hindi mawawala ang mga magsasaka na siyang nakakarami sa bayang ito na may dala pang kalabaw na humihila ng karomata na may kargang saging at ibang gamit sa pagsasaka.

    Nagkakaroon ng paligsahan sa pagluluto ng tahong, talaba at kapis na mga pangunahing produktong-dagat sa bayang ito na 114 kilometro ang layo sa Maynila noong Martes. Dito rin matatagpuan ang napakasarap na araro cookies na nasa ilalim ng One Town One Product (OTOP) program ng Samal.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here