Dayong ibon naglipana sa Bataan

    551
    0
    SHARE
    ABUCAY, Bataan- Karaniwang tanawin araw-araw tuwing umaga ang mga dayong ibon na masayang nanginginain sa mababaw na tubig ng palaisdaan sa gilid lamang ng MacArthur Highway sa bayan ng Abucay.

    Kung wala ang mga ito sa palaisdaan ay nakadapo sila sa mga sanga ng  kahoy sa hindi kalayuan.

    Halos kampante na ang mga ibong puti na kilala bilang egrets o tagak na hindi alintana ang dumaraang mga sasakyan.  May mangilan-ngilang black-winged stilt na humahalo na kung minsan ay itinataas pa ang isang mahabang paa matapos ang paghabol sa maliliit na isda.

    Makikita ang mga dayong ibon sa maraming bahagi ng Bataan lalo na sa Abucay at sa Lungsod ng Balanga mula Setyembre hanggang Marso taon-taon. Noong nakaraang buwan, nakabilang ng mahigit 18,000 water birds sa isang araw lamang sa Balanga ang mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources at Wild Birds Club.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here