BALANGA CITY – Halos mapuno ang mga pangunahing lansangan sa commercial district ng Balanga sa dami ng mga taong sumaksi sa maraming batang nakasuot ng iba’t-ibang nakakatakot na costume na lumibot sa mga business establishments Huwebes ng hapon.
Ang mga malalaking tindahan ay naghanda ng kanilang mga mumunting regalo na ipinamigay sa mga bata habang maririnig ang mga makapanindig-balahibong tugtugin.
Ayon kay Balanga City Mayor Jose Enrique Garcia III, ang okasyon ay tinawag nilang Halloween Treat na may kaunting takutan dahil sa kakaibang mga kasuotan at may kaunting bigayan ng mga kendi at ibang regalo sa mga batang lumahok.
Ipinaliwanag ng mayor na nakasuot “Drakula” ang ibig sabihin ng salitang “halloween” na nahahati aniya sa dalawang salita na “halo” o banal at “ween” o gabi.
Pinili sa pagsapit ng gabi ang pinaka- nakakatakot na costume.