SAMAL, Bataan – Wari’y pinagbigyan ng magandang panahon, dumagsa ang maraming tao, bata at matanda man, sa karera ng 15 pares na kalabaw na ginanap nitong Martes sa kabukiran ng Parang Uno, Ibaba sa bayan ng Samal.
Bagama’t mamasa-masa pa ang lupa at medyo may kalagkitan dahil sa katatapos na ulan, ang likas na masunuring mga kalabaw ay nagpakitang gilas sa paggiya ng hinete na sakay ng maliliit at mabababang kangga.
Subalit dalawang kalabaw ang tila mapagbigay sapagka’t pinabayaan ng mga itong tumakbo ang mga katunggali nang nag-iisa sa race track na 300 metro ang haba samantalang ang mga ito sa magkahiwalay na laban ay hindi napigilan ng hinete at waring naligaw na lumihis ng landas at sa kalapit na palayan nagtatakbo.
Nahulog ang isang hinete sa kangga, na hindi naman umano nasaktan, at nag-iisang tumakbo sa palayan ang kanyang kalabaw. Ang isa pang hinete bagama’t “naligaw” ang kanyang kalabaw ay nanatili namang nakasakay sa kangga hanggang mapahinto niya ang kalabaw sa gitna ng palayan.
Hiyawan ang mga manunood lalo na ang mga nagsipusta sapagka’t automatic na panalo ang kalaban ng dalawang kalabaw. Masaya ang paligsahan bagama’t tila sabungan itong may nagpustahan.
Ayon kay Mario Siasat, kapitan ng barangay Ibaba, ang unang gantimpala ay P5,000, pangalawa, P3,000 at pangatlo, P2,000 na lahat ay may kalakip na trophy. Ang mga kalahok na kalabaw ay mula sa Dinalupihan at Samal, pawang mga bayan sa Bataan.
“Pipilitin nating ganapin taun-taon ang karera ng kalabaw upang magbigay sigla sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng naiibang panoorin,” paliwanag ni Siasat.