Home Headlines Pinetensiya, pabasa ng Pasion nagsimula na

Pinetensiya, pabasa ng Pasion nagsimula na

367
0
SHARE

Abucay, Bataan: Maagang nagsimula ang pagpipinetesiya sa Bataan matapos mamataan ang ilang mandurugo at nagpapasan ng krus sa MacArthur Highway dito Martes Santo pa lamang.

Karaniwang lumilitaw ang mga nagpapasan ng krus ng Miyerkules Santo, Huwebes Santo at Biyernes Santo. Ang mandurugo o yaong hinahampas ang duguang likod ay karaniwang lumilitaw kapag Huwebes at Biyernes Santo. 

Dama ang pagod ng nagpapasan ng krus matapos pansamantalang naupo ito sa mainit na semento ng kalsada habang inaalalayan.

Ang mga mandurugo naman ay saglit na huminto sa tapat ng kalbaryo upang mag-ukol ng maikling panalangin. 

Samanatla, nagsimula na rin ang Pabasa ng Pasion sa kalbaryo sa Barangay Santa Lucia sa Samal, Bataan gabi pa lamang ng Lunes Santo.

Inaasahang magpapabasa na rin sa ibang kalbaryo sa Martes Santo ng gabi o umaga ng Miyerkules Santo.  

Ginagampanan ang pabasa ng ilang may edad ng lalaki at babae sa mga kalbaryo hanggang Biyernes Santo ng hapon.  (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here