1ST CLASS municipality na ang bayan ng San Simon
pagkaraan ng matagal at mahaba ring panahon
ito’y dahil sa MAHUSAY na pamamalakad noon
ng mga naging alkalde tulad ni BONDOC at SITCHON
lalo na nang maging mayor ang yumaong LEONORA WONG
nagsulputan ang marami at mayayamang INVESTOR
2.
Ang pag-unlad ng San Simon ay unti-unting umusod
nang ang maging alkalde ay si tatang Maning S. Bondoc
sa kanyang pamamahala nagsimulang MA-DEVELOP
ang noon ay matalahib at madilim na QUEZON ROAD
naitayo ang SKK kalaunan ay sumunod
ang ilan pang mga planta na ngayo’y magkakanugnog
3.
Ang San Simon noong araw ay di gaanong kilala
ng dahil kay TATANG MANING kalauna’y nakilala
ang dating Sto. Domingo exit ngayo’y San Simon na
kaya’t itong aming bayan SUMIKAT dahil sa kanya
simpling bagay kung wariin ngunit napakahalaga
sa aspetong pamumuhay pati na sa pulitika
4
Naging alkalde si SITCHON , DIGOS CANLAS , LEONORA WONG
ekonomiya ng bayan nagsimula sa pag-usbong
naitayo ang Global 1 global 2 at NAYONG CHINOY
pati ang GOVERNMENT CENTER na nahinto ang konstruksiyon
ang kanilang PAGSISIKHAY sa matagal na panahon
namunga ng masaganang tinatamasa na ngayon
5.
At ngayong ang SAN SIMON ay 1st class municipality
nararapat lamang namang ito ay ipagmalaki
kahit ito’y naganap sa panahon ni mayor JP
katungkulan nating lahat na ito ay IPAGBUNYI
sobrang pamumulitika dapat munang isantabi
MAGKAISA’t ipagdiwang ang ganitong pangyayari
6.
Kahit sino pa ang mayor ang karangalang natamo
ng SAN SIMON sa SIMONIANS pa rin naman ang kredito
dumating man ang araw at mayrong mahalal na bago
ay hindi na mapipigil ang bayan sa PAG-ASENSO
ang PAG-UNLAD ay di lamang ng dahil sa pulitiko
kung hindi sa mamamayang naninirahan din dito
7.
Hindi naman basta-basta magiging 1ST CLASS ang bayan
kung hindi rin NAGPUNYAGI mga dating nanungkulan
ang ambag ng bawat malaki o katiting man
huwag nating lilimutin at dapat PASALAMATAN
palaging alalahanin at itanim sa isipan
na sila ay bahagi ng minimithing KAUNLARAN