Home Headlines Nakumpiskang iligal na paputok sinira ng NE police

Nakumpiskang iligal na paputok sinira ng NE police

302
0
SHARE
Sinisira ng mga pulis at bumbero ang mga kumpiskadong boga at iba pang paputok. Kuha ni Armand Galang

LUNGSOD NG CABANATUAN – Sinira ng mga pulis at ilang tauhan ng Bureau of Fire Protection ang iba’t ibang klase ng iligal na paputok at pailaw na nakumpiska sa mga operasyon ng mga istasyon ng pulisya sa Nueva Ecija nitong Dec. 27. 

Mismong sa bakuran ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa Burgos Ave., dito ty isinakatuparan ang ligtas na pagsira sa mga ito.

Resulta ito ng sabayang operasyon ng iba’t ibang istasyon ng pulisya sa 27 bayan at limang lungsod ng Nueva Ecija sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni NEPPO director Col. Richard Germino.

Ang ibang mga firecrackers at pyrotechnics ay inilubog sa mga drum ng tubig samantalang ang mga boga ay dinurog ng magkasamang personnel ng pulisya at BFP.  

Pinasagasaan din sa truck ng bumbero ang ilan sa mga ito.

Ang aktibidad na pinangunahan ni NEPPO deputy director for operation Lt. Col. Manny Israel ay nilahukan ng NEPPO command group and staff at BFP na pinangunahan naman ni SFO3 Victor De Guzman.

Kabilang sa mga winasak ay pla-pla, Judas Belt, fountain, kwitis, boga, at iba pang iligal na firecrackers/pyrotechnics.

Hinikayat ni Germino ang publiko na huwag gumamit ng mga mapanganib at iligal na paputok sa pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon.

Marami aniya ang makabuluhang paraan ng pagdiriwang na hindi inilalagay sa panganib ang sarili at ang mga mahal sa buhay.

Nanawagan si Germino sa taumbayan na aktibong makilahok sa pagsusulong ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagri-report sa maykapangyarihan ng iligal na bentahan at distribusyon ng paputok.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here