Home Opinion May mga drug-free nga bang barangay noon at ngayon?

May mga drug-free nga bang barangay noon at ngayon?

191
0
SHARE

1.
Sa panahong si RODRIGO DUTERTE pa ang pangulo
ang kampanya KONTRA DROGA ay talagang EPEKTIBO
maraming mga NA-REHAB na sumuko sa gobyerno
kaysa sila ay MATODAS pinili na ang magbago
OPLAN TOKHANG lumaganap marami ang naaresto
mayroong mga nasawi na NANLABAN diumano
2.
Humihingi ng HUSTISYA ang ilan sa namatayan
mga MENOR DE EDAD na wala namang kasalanan
ilan dito ay BINARIL ng walang kalaban-laban
MISTAKEN IDENTITY raw dahil sa napagkamalan
dahil sa pagkakamali mayrong BUHAY na nasayang
bunga ng ilang TIWALI sa hanay ng kapulisan
3.
May mga nagsasabing sa kasalukuyang panahon
kampanya kontra sa droga IBANG-IBA kaysa noon
magmula ng mapalitan ang dating ADMINISTRASYON
ay dumami raw ang TULAK at ang sa droga ay LULONG
tila di na MASIGASIG mga kapulisan ngayon
di raw tulad dati na ang pangulo’y si TATAY DIGONG
4.
Di raw kaya dahil sila ay nawalan ng GANANSIYA
kaya biglang nanamlay ang kampanya kontra sa droga?
di ba doon sa kongreso at senado’y NAUNGKAT na
na ilan sa mga pulis PAPOGI lang at PABIDA
at sa BUY BUST OPERATION nagkaroon ng biktima
ng TANIM DROGA para lang may makuhang EBIDENSIYA
5.
May mga insidente rin na naungkat sa KONGRESO
sa Buy Bust operation na hindi naman daw TOTOO
isang pulis na bumaril sa agwat na LIMANG METRO
sa paa ng target nila upang di raw MAKATAKBO
aba, ay napakahusay at talagang ASINTADO
dinaig pa si FPJ pati si LEON GUERERO
6.
Ang pangakong ANIM NA BUWAN upang droga ay linisin
ay tila ba isang SUMPANG ibinulong lang sa hangin
kampanya laban sa droga sabi ay PAIIGTINGIN
ngunit magpahanggang ngayon droga ay TALAMAK pa rin
hindi ba ang nararapat ay biktima ang SAGIPIN
mga pusher at druglords ang kinakailangang PUKSAIN
7.
At habang may mga DRUGLORDS hindi natin masasabi
at paniniwalaang ang ilang barangay ay DRUG FREE
dahil magpahanggang ngayon NAGKALAT sa tabi-tabi
ang DROGA na sumisira sa isipan ng marami
kampanya kontra sa droga kahit gaano KATINDI
kung may NARCO POLITICIAN ay wala ring mangyayari

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here