Home Opinion Political dynasty sa bansa natin, panahon na upang ito ay buwagin

Political dynasty sa bansa natin, panahon na upang ito ay buwagin

163
0
SHARE

Pumoporma na ang mga kandidato

nagpapakilala na sa mga tao

pati ang ilan sa mga pulitiko

na nasangkot na sa mga eskandalo

umaasa pa rin silang iboboto

ng mga botante nilang maloloko

 

Ang mga ARTISTA na sumikat noon

ACTION STAR man yan o MATINEE IDOL

ay lumahok na rin para sa eleksiyon

na gaganapin sa susunod na taon

di lang  kongresista ang ina-AMBISYON

kung di maging isa sa mga SENADOR

 

Ang mga PARTY LIST dumami ring bigla

na parang KABUTE sa mga tumana

katulad na lamang nitong si DIWATA

sa pulitika ay biglang pumagitna

ang  hangariin daw niyang nais isagawa

bigyan ng proteksiyon ang VENDOR  sa bansa

 

Kaya’t marami ng mga gumigimik

na kumakatawan sa mga party list

sila raw ang mga natatanging tinig

lalaban para sa mga maliliit

ganyan ang katagang laging sinasambit

tulad ng HONEY BEE na ubod ng tamis

 

Mga pulitiko’y magaling mangusap

upang sa botante’y makapanghikayat

sino ba naman ang hindi magaganyak

sa mga pangakong dalisay at wagas

lalo na kung ito’y hinggil sa pag-unlad

na siyang inaasam-asam nating lahat

 

Alamin lahat ng mga kandidato

na mayroong mga nakabinbing kaso

partikular na ang mga pulitiko

na ayaw bumaba sa kanilang pwesto

mga KAPIT TUKO at naniniguro

na palaging sila ang nasa gobyerno

 

Sila ay hindi na dapat tangkilikin

na makapaglingkod pa sa bayan natin

sila yaong mga pulitikong sakim

sa panunungkulan ayaw ng bumitiw

itong POLITICAL DYNASTY sa atin

panahon na upang ito ay buwagin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here