Home Headlines P8.3-M ecstasy tablets naharang sa Clark

P8.3-M ecstasy tablets naharang sa Clark

219
0
SHARE

CLARK FREEPORT — Napigilan ng Bureau of Customs-Port of Clark ang tangkang pagpuslit ng 4,891 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P8.314 milyon.

Naharang ng BOC-Clark ang kargamento sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency, Enforcement and Security Service ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), at Customs Intelligence and Investigation Service.

Sa BOC X-ray Inspection Project nakita na kahina-hinalang kargamento, na pagkatapos ay isinailalim sa K9 inspection ng  CAIDTF at PDEA, na parehong kinumpirma ang pagkakaroon ng ilegal na droga.

Sa isang pisikal na pagsusuri sa kargamento ay nakita ang isang  kahon ng espresso capsules at tatlong kahon ng coffee beans.

Ang mga tabletang ecstasy ay nakatago sa mga butil ng kape sa loob ng tatlong kahon, na ipinadala mula sa Netherlands.

Ang mga sample ay inilipat sa PDEA para sa chemical analysis, na nagpapatunay na ang mga tableta ay naglalaman ng methylenedioxy methamphetamine, lalong kilala bilang ecstasy.

Ang kargamento ay isinailalalim na sa warrant of seizure and detention dahil sa paglabag RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), in relation to RA 9165, (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Photos: BOC-Clark 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here