Home Headlines SK seminar naunsyami dahil sa food poisoning

SK seminar naunsyami dahil sa food poisoning

324
0
SHARE
Pila-pila ang mga ambulansya sa pagkuha ng mga biktima sa otel kung saan naganap ang umano’y food poisoning. Contributed photo

SUBIC BAY FREEPORT – Ipinagpaliban na muna ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang second batch ng mga kagawad ng sangguniang kabataan na nakatalagang dumalo sa Gender Awareness and Sensitivity Seminar na ginaganap sa isang otel dito makaraang magkaroon ng food poisoning sa unang batch nitong August 5-7 na dinaluhan ng may 200 delegado.
Kasama sa seminar sina Mayor Jullier ”Ayoy” Rosuello ng San Carlos, Pangasinan, mga kagawad at mga staff ng LGU.
Sa isang panayam, sinabi ni Rosuello na pinagaaralan pa nila kung itutuloy ang second batch ng seminar kung ito ay gagawin sa ibang lugar o hindi na muna sa Subic dahil sa naganap na umano’y food poisoning sa mga SK delegates at maging mga medical staff.

May 150 delegado ang isinugod noong August 6 sa James L. Gordon Memorial Hospital dahil sa food poisoning.
Ayon sa alkalde nagsisipag-uwian na ang ilang SK delegates na nakalabas ng ospital matapos na sumailalim sa clinical evaluation.
Dugtong pa ni Rosuello, tatlo hanggang apat na araw pa bago lumabas ang resulta ng imbestigasyon kung kaya mananatili pa ito sa Subic para alalayan ang ilan pang SK na sa ngayon ay nananatili pa rin sa ibat-ibang pagamutan na siyudad ng Olongapo. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here