Kung totong mayrong apat na senador
siyam na congressmen at isang gobernador
na sangkot sa mga POGO operation
ay bakit hindi pa pangalanan ngayon?
Upang malaman ng buong sambayanan
kung sino ang dawit na mga pangalan
kasuhan lahat ng dapat na kasuhan
Kung totoong sila ay may kinalaman
Sa operasyon ng POGO dito sa’tin
ayon nga sa vlogger na si Toto Causing
kung may dokumentong hawak si engineer
kailangan pa muna itong busisiin
Upang kung sakaling mayrong maghahabla
magagamit ito bilang ebidensiya
habang walang kaso pang naisasampa
kailangan sigurong manahimik muna
Ang isang senador na kanyang binanggit
ay ang action star na si Lito Lapid
isang pulitikong napakatahimik
ngunit ang pangalan ay idinadawit
Diumano siya ay isang protektor
sa Philippine Offshore Gaming Operator
sangkot din kuno sa POGO operation
si Jaime Capil na isa namang mayor
Naging kontrobersiyal ang bayan ng Porac
sa pagkakatayo ng mga POGO HUB
may mga illegal daw na aktibidad
katulad ng mga nasa Bamban, Tarlac
Senador Lapid ay pinagdudahan
na sa mga POGO ay may kaugnayan
sapagkat siya ang tumatayong chairman
sa games and amusement sa kasalukuyan
Sabi ng senador doon sa senado
na siya ay hindi raw protektor ng POGO
nakahanda raw siyang bumaba sa pwesto
pag napatunayang ito ay totoo
Kailangan siguro ng imbestigasyon
o senate hearing in aid of legislation
doon niya sagutin ang lahat ng tanong
na ipupukol ng kapwa niya senador
Upang marinig ng buong sambayanan
ang isasagot sa mga katanungan
kailangang luminis ang kanyang pangalan
na nasa rurok ng kanyang kasikatan
Sapagkat ang papel niya sa pelikula
magiting at isang matapang na bida
sa larangan naman nitong pulitika
ang kanyang slogan ay BIDA NG MASA
Ang katotohanan di pa natin batid
kung talagang sangkot si senador Lapid
hangga’t walang hatol sa mga pagdinig
ang mga bintang ay magsisilbing tsismis
Kung sakali naman at mapatunayan
na sangkot siya sa mga katiwalian
ay doon pa lamang maaring husgahan
ANG BIDA NG MASA ay isang TULISAN