Minadali ang pag-angkat

    693
    0
    SHARE

    NITONG nakaraang Lunes na kung saan
    ay halos maghapon kong sinubaybayan
    sa TV 11 ang balitaktakan
    ng akusasyon at pangangatuwiran

    Ng mga solons at sangkot sa pag-angkat
    ng ‘Dengvaxia vaccine,’ halata kaagad
    na minadali ng DOH ang lahat
    kaya humantong sa di mangyari dapat?

    Kung saan ang buhay nitong walang malay
    nating mag-aaral na nabakunahan
    nitong dapat sana’y para proteksyonan
    n’yan laban sa Dengue yan pala’y pamatay?

    Ilang mag-aaaral na ang pumanaw na
    sanhi ng di pa man ‘tested’ na Dengvaxia
    ay inangkat na nga umano r’yan basta
    ng rehimeng Aquino at kaalyado niya?

    Sa pangyayaring ‘yan, di n’yan maialis
    kay Juan dela Cruz ang siya ay mag-isip
    na may nalagyan sa mga opisyales
    nating sa kuwarta ay lubhang matitinik.

    Partikular na r’yan ang nakatataas,
    na siyang ‘signatory’ at una sa lahat
    ng ‘under’ sa kanyang mahalagang basbas,
    ang sa partihan ay kumita ng limpak?

    Ano’t sila’y naging atat na masyado
    sa pag-angkat d’yan ng klaseng gamot na ito
    na di pa nga ‘tested’ ay binili nito
    nang di lang milyones kundi bilyong piso?

    Kung pinag-aralan n’yan munang mabuti
    o kaya tiniyak muna sa Sanofi
    na ang ‘Dengvaxia vaccine’ nga ay ‘safety,’
    disin sana’y walang ganyang pangyayari?

    Na may nangamatay nga r’yang mag-aaral
    at naghihinagpis na mga magulang,
    nang dahil sa grabeng mga kapalpakan
    ng rehimeng Aquino’ng dapat managot d’yan

    Kasama pati na ang kanyang Kalihim
    sa DOH at iba pang magagaling
    na kaalyado niyang kumita marahil
    diyan sa lintik na ‘Dengvaxia vaccine’.

    Sige, magturuan kayo sa isa’t-isa
    kung sino r’yan ang pasimuno talaga
    o sa transaksyon yan ay tunay ngang kumita
    upang ang lahat ng sangkot kasuhan na

    At maipakulong kung mapatunayan
    na sila-sila ang nagkakutsabahan
    sa pag-angkat nitong ‘Dengvaxia’ng naturan,
    (na di pala gamot kundi ng ‘pamatay’!)

    At kaya inangkat lang marahil nitong
    magkasangga sa dating administrasyon,
    ya’y dahil na rin sa malaking komisyon
    na kikitain sa nasabing transaksyon.

    Na hayan, nang dahil sa pagiging ‘corrupt’
    at hangaring kumita ng limpak-limpak
    (na salapi), nang di nagpagod at sukat,
    kapag nagkataon…kulungan ang bagsak

    Kung mapatunayan ngang ya’y nagkasala
    ng pangungurakot at tunay ngang sila
    itong naging sanhi rin at naging mitsa
    nang pagkamatay r’yan ng batang iskwela.

    At kung saan libu-libo ang magulang
    na ineksyunan ang mga anak n’yan
    itong ang pangamba ay walang pagsidlan
    sa kanilang puso sa pangyayaring ‘yan!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here