Home Headlines Miss U-PHL Chelsea Manalo binigyan ng mataas na pagkilala

Miss U-PHL Chelsea Manalo binigyan ng mataas na pagkilala

486
0
SHARE
Si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo kasama sina Gov. Daniel Fernando (kanan) at Vice Gov. Alex Castro (kanan) ng Bulacan. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS— Binigyan ng mataas na pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan si Miss Universe-Philippines Chelsea Anne Manalo sa Kapitolyo ng Bulacan ngayong araw, Hunyo 8.

Sa ilalim ng Kapasiyang Panlalawigan 461-T ay binigyan ng pagbati at mataas na pagkilala si Manalo kasunod ng pagkorona dito bilang Miss Universe-Philippines 2024.

Bukod sa pagkilala ay nakatanggap din ng mga regalo at mga souvenirs si Manalo sa tinawag na Homecoming Reina La Bulakenya.

Naluluha naman habang nagpapasalamat sa kanyang talumpati si Manalo. Pinasalamatan niya ang kanyang pamilya, mga kaanak, kaibigan, ang Kapitolyo at ang iba pang mga tumulong sa kaniya para maabot ang korona.

Humiling siya ng panalangin at patuloy na pagsuporta para sa paparating na Miss Universe Pageant 2024 sa Mexico.

Matapos ang programa ay marami ang nagpalitrato kay Manalo bago nagsagawa ng victory parade para masilayan ng kanyang mga kalalawigan at mga tagahanga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here