“No one is above the law”

    520
    0
    SHARE

    PUEDE bang magtatag si Pangulong Digong
    ng anila ay ‘presidential commission’
    na mag-imbistiga ng ‘graft & corruption,’
    gaya ng plano niya sa Ombudsman ngayon?

    Na bagama’t base sa ating Saligang
    Batas ito’y isang ahensyang hiwalay
    na hindi sakop ng alin pa mang sangay
    ng ‘executive, legislative, judicial?’

    Maraming abogado ang nagsasabi
    na hindi puedeng magtatag si Duterte
    at ibang tanggapang nasa ilalim pati
    nitong mandato ng ating president.

    Pero kung tunay ngang siya ay may sapat
    na batayan base sa Saligang Batas,
    at mga desisyon na r’yang iginawad
    ng Korte Suprema, ya’y maitatatag!

    At kung nanaisin ng ating Pangulo
    ng isang komisyon na titingin dito
    upang ang korapsyon ay masugpo nito,
    ang Konstitusyon may basbas sa ganito.

    Na puedeng magtatag si Pangulong Digong,
    (bilang ‘incumbent’ na presidente ngayon)
    ng isang ahensya o kaya komisyon,
    para gumawa ng kaukulang aksyon

    Upang ang ano pa mang r’yang katiwalian
    ng Ombudsman, maging ng Highest Tribunal
    ay masawata ng komisyong naturan,
    ‘in such a way its form and substance is legal’.

    Sa pagtatag ng ‘presidential commission’
    na puedeng isulong ng administrasyon
    base sa Article 7 nitong Section
    7; 1987 Konstitusyon.

    Na tungkuling moral ng isang Pangulo
    ang tiyaking buong katapatan nito
    bilang lider, ang di siya patatalo
    sa pagpapatupad ng batas na wasto.

    At bilang bahagi ng katungkulan niya
    ay marapat lang na ipaglaban tuwina
    ang tama, sukdulang ang Korte Suprema
    o itong Ombudsman ang may anomalya

    Tao lamang sila na katulad natin
    na posibleng makagawa ng mali rin,
    kaya ano’t bilang parte ng tungkulin
    ng Pangulo sila’y di puedeng sitahin?

    At ipaimbestiga kung kinakailangan
    kapag may ‘cloud of doubt’ laban kaninuman
    o kahit sa ating kataastaasang
    tribuna ng bansa sa kasalukuyan?

    Kung pagsamahin ang dalawang bahagi
    ng Konstitusyon ay walang pasubali
    na si Duterte ang may ‘mandate’ pumuli
    ng dapat isulong para patas lagi.

    Kasama sa ‘executive power’ nito
    ang pag-imbestiga sa kahit kanino,
    na inaakalang ‘corrupt,’ maging ito
    ay sina Morales at Justice Sereno.

    Kaya kahit sila ang nakatataas
    na Mahistrado sa ‘ting Saligang Batas,
    di ligtas at walang panagutan dapat
    sa anumang bagay na uring paglabag!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here