TALIWAS sa isyu na sinundan nito
na kaugnay ng balitang diumano
ay ang Kinatawan ng bawat distrito
ang may ‘power’ para pumili kung sino
Sa nalalapit na pagpiling gagawin
na maging ‘OIC barangay chair’ natin,
sakali’t ang plano ng ating butihing
Pangulo ang siyang dapat pairalin
Kung saan ang mga ‘incumbent’ Kapitan
sa lahat ng bayan sa’ting kapuluan
ay ibababa na sa panunungkulan
matapos ang ‘terms of offi ce’ ng mga ‘yan
At imbes ‘barangay election’ ang dapat
ganapin, gaya ng mga nakalipas
ay ‘by appointment’ na ang ipatutupad
kasama pati na ang mga Kagawad
Iyan ayon sa’ting bagong impormasyon
na nakalap d’yan sa loob ng Convention
Center ng Kingsborough ay hindi totoong
ang mauupo ay ‘appointees’ ng Solon
Kundi manggagaling umano sa kampo
mismo nitong ating mahal na Pangulo
ang posible niyang atasan siguro
para maghanap ng kanyang ipupuesto.
Kung saan di lamang syempre basta na lang
i-‘appoint’ nito ang magiging Kapitan,
Kagawad at iba pang manunungkulan,
kundi daraan sa prosesong maselan.
Kung saan maaring malaman kung sino
ng maaatasang pumili ng tao
na karapatdapat ilagay sa puesto,
makikila sa kabarangay mismo.
At dahilan na rin sa ‘by appointment’ na
itong pagpili sa marapat talaga
na maging Kapitan at makakasama,
burado nang tiyak ang lumang sistema
Na kung saan itong mga malalaking
pamilya lamang ang ika nga’y palaging
panalo laban sa kahit na doblihin
ang bilang di sapat ‘for uncontested win’
Kaya suma total, syempre parating ‘won’
ang mga maykaya lamang o madatong
itong madalas ay tuwing tatlong taon
ang halihinan sa iisang posisyon.
Pero kagaya riyan ng gustong mangyari
sa ‘barangay level’ ni Digong Duterte,
na ang mauupo ay pawang ‘appointee,’
yan sa ganang atin mas makabubuti.
Kaya maaring masabing taliwas
o kabaligtaran sa sinundang labas
ng isinulat ko ‘coz it turns out may not
a Cong nor an LGU can possibly act’.
Since no one according to reliable source
Has so far been given a power to appoint
A barangay captain or any other post
But, except one who may be a President’s choice.
Kaya, kayong sabi ay mga ‘appointees’
ni Cong, mag-obserba muna at makinig
sa ‘reliable news’ sa ating paligid
bago maniwala sa anumang tsismis.
Dahilan na rin sa higit na maugong
ang isyu na dili’t iba ang Pangulong
Digong ang tutungo sa lahat ng rehiyon
para mag-‘assign’ ng dapat makatulong?!