Home Headlines DTI isinusulong ang malikhaing pagsulat para sa mga inang mangangalakal

DTI isinusulong ang malikhaing pagsulat para sa mga inang mangangalakal

286
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang Mother’s Day Creatives Fair.

Layunin nito na muling ibalik sa kamalayan ng mga kabataan ang malikhaing pagsulat ng mga pagbati para sa kani-kanilang mga ina.

Ayon kay DTI OIC-Assistant Regional Director Edna Dizon, lalong mapapalakas nito ang moral ng mga inang mangangalakal na nasa creative industry na makakatulong para sa lalong pagpapataas ng kalidad ng kanilang mga produkto.

Binigyang diin pa ni Dizon na hindi ito isang karaniwang trade fair lamang na tungkol sa pagtitinda at pagbili.

Kinonsepto ito ng DTI na maging interactive upang mas mapalitaw ang pagiging malikhain ng mga bata.

Nakalinya ang Mother’s Day Creatives Fair sa itinataguyod ng DTI na mabuksan ang mga oportunidad sa mga bagong hanapbuhay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Republic Act 11904 o Philippine Creative Development Industry Act.

Aabot sa 25 mga micro, small and medium enterprises na nasa creative industry na pawang pag-aari ng mga ina ang lumahok sa Mother’s Day Creatives Fair na idinaos sa Robinson’s Place Malolos. (Shane F. Velasco/PIA 3)

Lahat ng mamimiling bata sa fair, anuman ang kanyang edad basta’t nakakabasa at nakakasulat, ay maaaring magpakita ng kahit anong halaga ng proof of purchase sa DTI secretariat booth.

Maaaring palitan ito ng isang special greeting card na uubrang sulatan upang ipagkaloob sa kani-kanilang mga ina.

Pwede rin itong isali sa isa pang creative event sa loob ng nasabing fair na Greeting Card Making Contest.

Ang mga mananalo ay pagkakalooban ng DTI ng surpresang papremyo na mula rin sa mga produktong bahagi ng creative industry.

Aabot sa 25 mga micro, small and medium enterprises na nasa creative industry na pawang pag-aari ng mga ina ang lumahok sa Mother’s Day Creatives Fair na idinaos sa Robinson’s Place Malolos.

Kabilang sa mga tampok na produkto ang mga leathercraft, garments, handicrafts, jewelry, woodcrafts at local food delicacies na may creative packaging. (CLJD/SFV, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here