Home Headlines Subic Ay! 2024 ipinagdiriwang

Subic Ay! 2024 ipinagdiriwang

604
0
SHARE
https://docs.google.com/presentation/d/1sbcCBCbIL6HXmtvyj20YNgLxRqksXdSDKIvEf_I9iUs/edit#slide=id.g26d7ef189a8_1_6

SUBIC, Zambales — Dalawang linggo ng kasiyahan ang inihanda bilang padiriwang sa  kapistahan ng bayang ito na tinaguriang Subic Ay! mula Abril 1 hanggang Abril 24.

Ang ibig sabihin ng Ay!, ay pagpapahayag.

Ayon kay Mayor Jonathan “Jon” Khonghun ipinagdiriwang ang “Subic Ay!” tuwing ika-tatlong taon, subalit hindi ito nagawa noong 2022 dahil sa Covid-19 pandemic.


Iba’t-ibang programa ang inihanda kasama na ang pagpipuntura ng mga local artist sa Subic Retaining Wall sa Barangay Calapandayan para sa mural art contest na lalahukan ng 16 na barangay ng Subic.

Sa Abril 19, bubuksan naman sa publiko ang “Tagpuan sa Subic  Ay!” kung saan ibat-ibang pagkain at iba pang produkto ang mabibili.


Masasaksihan din ang paligsahan sa “Ginoong Subic” na gaganapin sa Subic Gymnasium.

Kasunod nito sa April 20 at 21 gaganapin naman sa 9ers Firing Range sa Barangay Pamatawan, ang 1st Mayor Jonathan Khonghun Cup Shootfest 2024, PPSA Level ll na may walong stages na inaasahang dadaluhan ng mga ibat-ibang shooters. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here