Ng Paskuhan Village ay di binenta yan
Ni Jess Lazatin sa TIEZA, bakit walang
Nagtangka ni isa sa kapamilya n’yan
Para gumawa ng marapat na aksyon
Upang ang naturang propriedad mahabol
Bago pa tuluyang maging abo itong
Lupang ang papeles, posibleng dinoktor?
Kaya ang titulo nito’y naisalin
Ng pabor sa TIEZA o nitong Tourism,
(‘At the expense’ nitong pamilyang Lazatin),
Habang di pa huli’t posibeng habulin.
Kasi kung talagang hindi ipinagbili
Ng mga Lazatin ang lupang nasabi,
Ya’y kinakailangang idulog sa korte
Para magawan ng ‘possible remedy’
At maibalik sa pamilyang Lazatin
Ang lupang naturan sa lalong madaling
Panahon at ito ay mananatiling
Paskuhan Village at sentro ng Tourism
Dito sa Pampanga… at ang ‘Giant Lantern
Festival’ ng ating ‘talented’ Kabalen,
Na kinikilalang world’s known lantern maker
In this part of the globe be never forgotten.
Kung saan di lamang sa sarili nating
Bayan at karatig yan nakararating
Kundi pati na sa ibayong dagat din,
Ang mga parol na gawa dito sa’tin.
Partikular itong Parol Samfernando,
Na kung saan nga ang ‘Paskuhan’ narito
Sa lupang donasyon lamang sa Turismo
Ni Jess Lazatin na isang Pilantropo
Pero hayan nga po at kamukat-mukat
Ay naibenta yan sa napakataas
Na halaga, gayong ito ay di dapat
Ipagbili ayon sa saligang batas
Ang isang bagay na donasyon nga lamang
Ng isang tao sa alin pa mang sangay
Ng gobyerno, kaya kahinahinalang
May ‘under the table’ na umeksena riyan.
Posibleng dinoktor ang mga papeles
Na nasasaad sa kung anong klaseng ‘deeds’
Na pinirmahan ng magkabilang panig
Matapos mapasa-kamay nina Lapid
O ng sino pa mang opisyal ng TIEZA,
Kung kaya maaring napalabas nila
Na ‘Deeds of Sale’ itong kung saan ang pirma
Ni Jess Lazatin ay dito makikita?
Di ko sinasabing niloko ninumang
Opisyal ng TIEZA ang may-aring tunay
Nitong paksang ating ngayon tinalakay,
Kundi ang atin ay kuro-kuro lamang.
Halimbawang yan ay binili talaga
Kay Lazatin nitong ngayon ay TIEZA na,
Kung may malasakit si Mark sa Pampanga
Yan dito sa atin itinimbre muna
Bago sa ‘auction sale’ nila idinaan
Ang lupang alam niyang kinatatayuhan
Ng Paskuhan Village, na Christmas Capital
Ng Pampanga at ng buong kapuluan.
Pagkat ang Capitol ay kaya ring bilhin
Ang lupang galing sa pamilya Lazatin,
Kaysa mapunta sa di kabalen natin
Na kagaya nga ng may-ari ng SM?!