Ngayong pati na rin si Peping Cojuangco na tiyuhing buo ni Noynoy Aquino ay mukhang hindi na natutuwa ito sa kung anong klase ng pangungubyerno Ng pamangkin… at kung saan ang suporta mismo ni Cojuangco at kanyang asawa kay PNoy ay tila nabaling kumbagasa pagpapatalsik imbes tulungan siya Na maisulong ang kanyang pagnananais na mahabaan ang kanyang ‘terms of office’ sa bisa ng balak pag-amyendang pilit sa Saligang Batas na nananahimik.
Yan kahit marahil muling makahabol ay baka hindi na iboto si PNoy dala nitong samut-saring isyu ngayon na ibinabato sa maling pagtugon Ng kanyang tanggapan sa marapat bigyan ng pansin at akmang solusyong kailangan, Pagkat ang nangyari ay kabaligtaran sa dapat sana nga ay tuwid na daan Na ipinangakong uring pamalakad ang kanyang mahigpit na ipatutupad, Pero nang maupo, walang inatupag kundi ng paglabag sa saligang batas.
At kung saan pati ang ‘highest tribunal’ ay kinalaban sa ‘unconstitutional’ na pag-gamit niya sa pera ng bayan kasama ang mga kasangga niyang tunay (Pero ang kalaban ng Administrasyon,Tulad ni Enrile, Revilla at Jinggoy Ay kinasuhan na’t nakakulong ngayon, Diyan makikilala ng lubos si PNoy) Na di maikakaila ng pamahalaang Aquino na isa ang naturang bagay sa posibleng mitsa ng ikinakasang umano ay malawak na panawagan Kay Noynoy ng isang ‘transformation council’ na siya ay kusang loob nang magbitiw kaysa sa Palasyo siya pilit pababain nitong sa kanya ay tila ayaw na rin.
Sa ‘source’ na malapit kina sir Cojuangco na ayaw pabanggit ang pangalan nito, mula pa raw nitong nagdaang Agosto, ang mga ‘church leaders’inimbita na itoNitong “NationalTransformation Council” para makiisa sa kanilang hiling at panawagan na kusa nang lisanin ni Pangulong PNoy ang kanyang tungkulinUpang bigyang daan ang dapat pumalit sa kanya, bunsod ng kawalan ng himik ng Palasyo laban sa kasanggang dikit, na di makaya niyang gamitan ng walis Para patalsikin ang kagaya nina Sec Butch Abad at Chief Alan Purisima, partikular na ang ibang Kalihim niya Na si Dinky, na may pagka-doble kara.
At malamang, ayon sa ‘source’ na naturan,ang hindi pagkilos nitong Malakanyang laban sa korapsyon ay maging daan yan uli ng “People’s Power” na makailangan? Kung saan ay hind malayong posibleng kasama mismo ang kanyang ‘Uncle Peping,’ sa pagpapatalsik kung mananatiling bingi si PNoy sa tawag ng tungkulin!