‘A nice move to combat illegal drugs’

    287
    0
    SHARE

    ANG PDEA Summit na ginanap sa Clark
    nitong ilang araw na nakalilipas,
    sa pamumuno ng pinakamasipag
    nating gobernador – (na ‘Nanay’ ng lahat

    ng Kabalen) – at ni Director General
    Cacdac ng PDEA’y mahalagang bagay
    na marapat bigyan natin ng matamang
    pansin ang lahat ng ibinahagi riyan

    Ng mga Alkalde sa Unang Distrito
    at ni Congressman Yeng – kabilang na mismo
    si Judge Omar Viola ng RTC rito;
    At ibang bisita ay mapuri mo

    Sa kanilang naging pahayag sa ‘Summit’
    hinggil sa paglala’t dulot na panganib
    ng shabu – kapagka di nagkapit-bisig
    ang lahat upang yan ay masugpong pilit

    Kung saan ang bawat isang mamamayan
    ay dapat tumulong sa pamahalaan,
    sa pamamagitan ng simpleng paraan
    na ma-itimbre sa kinauukulan

    Ang anumang bagay na kaduda-duda
    na mapapansin n’yan sa barangay nila;
    At yan ay iriport natin sa pulisya,
    NBI, CIDG at/o iba pa.

    Para manmanan at magawan kaagad
    ng kung aksyon na karapat-dapat,
    Upang ang iligal nilang aktibidad
    di makapinsala sa’ting komunidad.

    Ang suhestyong dapat o kinakailangang
    alamin muna ng nagpapa-renta riyan
    ng apartment at/o puestong paupahan
    ang nagnanais na umupa sa lugar

    Ay isang mabisang ‘anti-campaign’ para
    maiwasan natin ang may maka-upa
    sa ating barangay, na salbahe pala
    at mayrung ‘criminal record’ sa pulisya.

    Kaya para maging ligtas sa panganib
    o anong bagay na di kanais-nais,
    Ano’t hindi yan ang patakarang pilit
    nating ipairal at sunding mahigpit?

    Kung saan ang bawat gustong mangupahan
    yy kinakailangang munang ipaalam
    sa tanggapan mismo ng Punong Barangay,
    para sa masusing pagkakakilanlan

    At kung saan sila ay marapat nating
    hingan ng patunay kung saan yan dating
    nanirahan, at may kaukulan manding
    mga papeles na sa NBI galing.

    Nang sa gayon bago makapangupahan
    ang sinumang dayo sa ating barangay
    ay determinado tayong di kriminal
    ang gustong tumira sa’ting pamayanan.

    At upang pati na ating mga anak
    ay mailayo sa bisyong illegal drugs,
    kinakailangan din nating magpatupad
    sa bayan-bayan ng mga ‘curfew hours’

    Partikular para sa menor de edad,
    na s’yang kadalasan ay minamagdamag
    sa nakararaming mga ‘computer shop’
    na walang tiyak na pagsasarang oras.

    Dala na rin nitong walang pumupuna
    sa mga yan kahit na inu-umaga;
    Kung kaya nga’t uma-abuso ang iba?
    Na aywan kung sila ay nagsasara pa!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here