Ulat hinggil sa Hacienda Luisita

    647
    0
    SHARE

    ITONG PATULOY na direktang pag-iwas
    ng angkan ni PNoy sa mga marapat
    sundin upang pati sila’y ipatupad
    ang nasasaad sa batas hinggil sa CARP

    Kaugnay ng napa-kalawak na lupang
    sakahang pag-aari ng mga yan,
    na hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang
    ibigay ang para sa manggagawa n’yan

    Na ipinag-utos ng Korte Suprema,
    noong panahon ni Chief Justice Corona,
    ya’y pagpapatunay na talagang sila
    ay ayaw nila ng tunay na reporma

    Sa asyenda nila kung kaya marahil
    ipinasipa ni Pangulo ang ating
    Punong Mahistrado sa nakararaming
    mga mambabatas na madaling bilhin;

    Kung kaya nga’t hayan ang kaawa-awang
    mga magsasakang marapat mabigyan
    ng lupa ayon sa pamalakad ng DAR
    ay pinapaalis na ng sapilitan

    Sa loob mismo ng Hacienda Luisita
    sa pamamagitan ng pagsira nila
    ng kanilang tanim na palay at saka
    iba pang pananim na aanihin na..

    kasama na riyan ang kusang panununog
    sa kanilang dampa; at alagang hayop
    na basta na lamang nila kinukuyog
    hulihin at kinakatay pagkatapos.

    Ya’y grabeng paglabag na sa karapatang
    pang-tao ng mga inaabusong yan
    ng mga pulis at umano’y militar
    na itinuturong nasa sa likod n’yan.

    Kung ang lahat ng yan ay sadyang totoo
    at may kinalaman ang mga Aquino
    sa nangyayaring yan sa asyenda mismo
    ng kanilang angkan, tama lang siguro

    Na mapangalanan nating kunsintidor
    itong sa Palasyo nakaupo ngayon
    pagkat ni hindi siya gumawa ng aksyon
    para siyasatin ang napabalitang ‘yon.

    Nanaisin pa pa ba niyang lalong dumami
    ang mamamatay at masasaktan pati
    sa mararahas na gulong nangyayari
    na kagagawan ng mga ‘private army?’

    Ng mga Cojuangco at Aquino na rin,
    para lamang nila tuluyang mapigil
    ang hindi malipad ng uwak na itim
    na asyenda nila’y pira-pirasuhin

    Nang naa-ayon sa panuntunang batas
    ng lupang sakahan buong Pilipinas,
    na malaon nang dapat maipatupad
    ng DAR, pero sanhi nga nitong ang dapat

    Manguna ay sila itong anhin na lang
    yata nitong iba pa ay palihim nilang
    itago sa mata nitong taongbayan
    ang bagay na sila ang dapat tularan

    Tulad halimbawa ng angkan pa mismo
    ng ating butihing Pangulong Aquino,
    na patuloy pa ring dinededma nito
    ang utos ng dating Punong Mahistrado?

    Yan sa ganang aming sariling opinyon
    ay di lang tuwirang paglabag ni PNoy
    sa ‘land reform law’ ang kanilang patuloy
    na di pagtalima sa kautusang iyon!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here