Alin man kina Vice Mayorable Sison,
Alfie Bonifacio, Sangil, Mamac Sr.
Ay magdaraan sa butas ng karayom
Kay Vicky Cabigting sa pagka-Vice Mayor
Ng Angeles Citybago n’yan makuha
Ang ninanais na masungkit kumbaga
Na posisyong tangan ni Maria Vicenta
Bilang bise alkalde ng lungsod nila
Dahilan na rin sa malinis at tapat
Sa panunungkulan ang napakasipag
At napakahusay sa kanyang pag-ganap
Ng tungkulin bilang ‘next to the city Dad’
At kung saan dala ng husay at dunong
Ni Cabigting pati na sa ‘legislation,’
Ang City Council ay ‘awarded’ itong
‘The best by DILG in Central Luzon’
Para sa ekselenteng pag-implementa
At pag-akda n’yan ng mga ordinansa
Saka resolusyong may mai-ambag pa
Pati sa pagsulong at ikagaganda
Ng ekonomya at iba pang programang
Lubhang makailangan sa kasalukuyan
Nitong siyudad para sapangkalusugan
At kagalingan ng mga mamamayan.
Kung saan lubos ang bigay na papuri
Ni Mayor Pamintuan kay Vice Mayor Vicky
At sa buong City Council na rin pati
Na ‘awarded most outstanding in Region3’
For a job well done and encourage them, too
To continue their work in improving also
The lives and livelihood of all Angeleño
Through prompt passages of bill’ na rin ng Konseho.
Upang ang serbisyong marapat ibigay
Ng ‘city government’ sa nasasakupan
Ay maipa-abot sa kanilang kamay
Sa tamang oras na kanilang kailangan.
Nang naa-ayon sa itinatakda
Ng resolusyon o batas na inakda
Nitong city council, nang di maantala
Ang serbisyong dapat ibigay sa madla
At diyan aktibo si Vice Mayor Vicky
At tunay naman ding maagap parati
Sa pagtupad nito ng ‘official duty’
Bilang ‘public servant’ na laang magsilbi
Sa mga kabalen, kaya mahal siya
At handang ihalal muli ng higit pa
Sa tatlong termino (kung puede lang sana)
Parapatuloy na makapaglingkod ba?
Sa kanilang lungsod na kinikilalang
‘Most awarded in terms of international
And local awards’ na naigawad na r’yan
Sa Punonglungsod at City Vice Mayor n’yan.
Kung saan lahat ng papuring natanggap
Ay nagbigay dangal sa kanilang siyudad;
Ang kay Mayor EdPam ay ‘World Class City Dad’
At ang kay Cabigting –‘City Council Award’
At baka di man ‘equity of incumbent’
Ang ikatalo ng iba pang ‘candidate’
Laban kay vice mayorCabigting ‘in this race,’
Ay talo tiyak sa kanyang ‘accomplishments’.
Pagkat tunay namang di matatawaran
Ang kakayahan sa palingkurang bayan
Ni Vicky Cabigting higit kaninu man,
Bilang Vice Mayor ng siyudad na naturan!