Home Headlines 1 patay sa salpukan ng van at oil tanker

1 patay sa salpukan ng van at oil tanker

358
0
SHARE

ABUCAY, Bataan: Patay ang driver ng van nang sumalpok ito sa kasalubong na oil tanker sa bahagi ng Roman Superhighway dito Lunes ng umaga.

Kinakailangang gumamit pa ng extrication machine ang mga rescuers upang matanggal sa pagkakaipit ang driver sa kanyang sasakyan na wasak ang unahan. Wala na itong buhay ng matanggal sa pagkakaipit.

Hindi pa kilala ang nasawing van driver na nag-iisa sa kanyang sasakyan na papunta sa diresiyon ng Balanga nang mangyari ang banggaan.

Nag-iisa rin ang oil tanker driver na si Rudy Macaso na nagkaroon ng gasgas sa binti at masakit umano ang bahagi ng likod.

Galing ang oil tanker sa Limay, Bataan at papunta na ng Maynila nang salubungin diumano siya ng van at mabunggo siya. “Pilit ko ipreno pero talagang hindi na makayanan. Wala namang ibang kasalubong ang pick-up na ito,” sabi ni Macaso.

“Kinain niya linya ko,” sabi pa ng oil tanker driver.

Agad na sumaklolo ang mga kasapi ng Abucay municipal police station, Bureau of Fire Protection, Metro Bataan Development Authority, Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Patuloy pa imbestigasyon ng pulisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here