IBA, Zambales –Libong mga Zambaleños ang dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan nitong Dec. 30 ni Gov. Hermogenes Ebdane, Jr. na ginanap sa Zambales Sports Complex.
Ayon kay Ebdane, ang pagdiriwang ng kanyan kaarawan ay bahagi na rin ng pagbibigay pugay sa mga Zambaleños.
Sa kanyang mensahe, ibinalita ng gobernador ang kasalukuyang proyekto na ginagawa sa Zambales, tulad ng Provincial Capitol building at auditorium, bagong hospital na nagkakahalaga ng P800 milyon na inaasahang matatapos sa taong 2025.
Ganun din ang pagpapagawa ng San Marcelino District Hospital, Candelaria Hospital na pinondohan ng DOH ng P30 milyon at ang pagpapatayo ng Sta Cruz Hospital sa may tatlong hektayang lupain sa Malabago.
Dugtong pa ng gobernador na kapag natapos na ang hospital hindi lamang Zambaleños ang makikinabang nito kundi pati na rin ang mga residente sa mga kalapit bayan ng Pangasinan.
Ipinagmalaki din nito na ang na sa buong Region 3, ang Zambales ang may pinaka mababang bilang ng mga tinamaan sa Covid-19 at ang mga nagkasakit ay hindi kailangan pang gumastos at ang pamahalaang Zambales ang umako sa gastusin ng mga nito.
Sinabi din ng gobernador na palalawakin pa nito ang pangisdaan, mango Industry at ang pag-upgrade para magkaroon pa ng ibang kurso sa President Ramon Magsaysay State University para ang mga mag-aaral sa Zambales ay hindi nagpupunta sa Metro Manila.
“Hindi ninyo maipagpapalit ang pag-aaral, kung naghihikahos man tayo sa buhay, magpursige tayong makatapos, pwede na tayong lumaban sa giyera sa buhay”, dugtong pa ni Ebdane.