Home Headlines 9 barangay sa Mariveles under 14-day lockdown, balik ECQ

9 barangay sa Mariveles under 14-day lockdown, balik ECQ

700
0
SHARE

Naguusap sina Gov. Albert Garcia at provincial health office chieDr. Rosanna Bucahan tungkol sa lockdown sa Mariveles. Kuha ni Ernie Esconde



LUNGSOD
NG BALANGA — Isasailalim  sa loob ng 14 na araw na lockdown ang siyam na barangay sa Mariveles, Bataan upang mapigilan ang lumolobong kaso ng coronavirus disease sa nabanggit na bayan, pahayag ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes.

Kaakibat, aniya, ng localized lockdown ang pagbabalik sa nasabing mga barangay sa enhanced community quarantine status. Ang kabuuan ng Bataan ay kasalukuyang nasa modified general community quarantine.

Magsisimula ang lockdown sa ika-12 ng Setyembre at tatagal hanggang ika-26 ng Setyembre.

Napagkasunduan umanong hilingin ito sa Regional Interagency Task Force matapos ang pagpupulong nila ni Mariveles Mayor Jocelyn Castañeda at mga kasapi ng provincial IATF.

Sinabi ng governor na lubos siyang nabahala dahil isang araw bago naganap ang pagpupulong, naitala sa Mariveles ang pinakamalaking bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa Bataan sa loob lamang ng isang araw.

Nagkaroon umano ng pagkakahawahan sa mga lugar ng hanapbuhay at maging sa mga barangay. Sa Mariveles pa lamang, 549 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo at lumampas na sa isang libo ang mga kaso ng Covid-19 sa buong lalawigan.

Ang apektadong mga barangay ay Poblacion, Camaya, Maligaya, San Carlos, San Isidro, Sisiman, Balon Anito, Malaya, at Ipag. May 18 barangay ang Mariveles.

“Ito ang mga barangay na ang mga kaso ng Covid-19 ay double digit na at mabilis ang pagkakahawahan. Ang Poblacion ay nagtala pa ng three-digit active cases,” sabi ni Garcia.

Sinabi ng governor na ang ECQ ang pinakamahigpit na quarantine sa isang lugar na except sa essential goods and services ay talagang stay at home ang mga tao.

Noong nagdaang Marso at Abril, aniya, ay kailangan ang quarantine pass na malaking sakripisyo sa mga tao ngunit mas mabuti na umano itong paghihigpit kesa lumobo pa ang Covid19 at ito raw ang gagawin sa siyam na barangay.

Dama raw ni Garcia ang hirap na pinagdaraanan ng kanyang mga kababayan ngunit nakikiusap siya sa lahat na pilitin na sundin ang mga patakarang nakapaloob sa ECQ para sa pangmatagalang kaligtasan ng lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here