9 Baliwag Transit bus nasunog

    252
    0
    SHARE
    BALIWAG, Bulacan —- Siyam na bus ng Baliwag Transit ang nasunog habang nakaparada sa loob ng kanilang terminal sa Barangay Tibag dito nitong Linggo.

    Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal ng halos isang oras bago tuluyang naapula ang apoy.

    Pawang mga hindi umaandar o non-operational unit ng Baliwag Transit ang nasunog na aabot sa halagang P1.3 milyon ang naging pinsala.

    Lumabas sa imbestigasyon na ang sinunog na basura na siya namang dumila sa damuhan na nasa ilalim at paligid ng mga nakaparadang bus ang sanhi ng sunog.

    Iniembistigahan pa ng BFP kung sino ang nagsiga ng basurahan na posibleng papanagutin sa insidente.

    Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here