Home Headlines 843 pamilya naapektuhan ng baha 

843 pamilya naapektuhan ng baha 

196
0
SHARE
Food packs mula sa Pamahalaang Bayan ng Jaen. Kuha ni Armand Galang

JAEN, Nueva Ecija – Umabot sa 843 na pamilya mula sa siyam na barangay ng bayang ito ang naapektuhan ng baha na dulot ng habagat hanggang nitong Miyerkules.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Mayor Atty. Sylvester Austria, kasama ang municipal social welfare and development office, rural health unit, at municipal disaster risk reduction and management office pamamahagi ng food packs sa mga apektadong residente.

Batay sa ulat, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Barangay Don Mariano Marcos na may 29 na pamilyang naapetukhan; Barangay Lambakin, 72 pamilya; Barangay Hilera, 20 pamilya; Barangay Dampulan, 27 pamilya; Barangay San Vicente, isang pamilya; Barangay Pakul, 73 pamilya; Barangay Sto. Tomas South, walong pamilya; Barangay Putlod, Tatlong Pamilya; at Barangay Sta. Rita, 610 pamilya.

Bukod sa food packs ay namahagi rin sina Austria ng gamot kontra leptospirosis at ubo. Pinaalalahanan ng alkalde ang kanyang mga kababayan na hangga’t maaari ay huwag lulusong sa baha.

Pabiro rin niyang pinayuhan amg mga kababayan na huwag nang mag-tong its o mag-binggo at sa halip ay gamitin ang araw na walang pasok sa eskwela at trabaho sa makabuluhang mga bagay kasama ng pamilya. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here