Home Headlines 78 magsing-irog pinag-isa sa Kasalang Bayan

78 magsing-irog pinag-isa sa Kasalang Bayan

772
0
SHARE
Isa sa 78 pares na ikinasal. Photo: Office of Rep. Gila Garcia

DINALUPIHAN, Bataan — Nagpalitan ng “I do” ang 78 magsing-irog sa ginanap na hitik sa bulaklak na mass wedding sa bayang ito noong Martes.

Binansagang Kasalang Bayan 2023, idinaos ito sa Bulwagang Bayan ng Dinalupihan sa pangunguna ni Mayor Herman “Tong” Santos.

Mga pangunahing ninang at ninong sina 3rd District Rep. Maria Angela Garcia, Partylist Pusong Pinoy Rep. Jett Nisay, Vice Mayor Fernando Manalili, at mga kasapi ng sangguniang bayan.

Binati ni Congresswoman Garcia, dating  punong bayan ng Dinalupihan, ang mga bagong kasal at pinayuhang huwag makakalimot sa Diyos at gawing masaya at puno ng pagmamahal ang pagsasama.

Sinabi ni Mayor Santos na ito ang pang-11 taon ng Kasalang Bayan ng Dinalupihan  na naglalayong magbigay ng libreng civil wedding services sa mga nagsasamang hindi pa nakakasal.

Bukod sa libreng marriage license at certificate, ang mga ikinasal ay tumanggap din ng mga regalo mula sa kanilang mga sponsor at munisipyo.

Tumayong ninang si Rep. Gila Garcia at si Mayor Tong Santos naman ang namuno sa kasalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here