Home Headlines 7,000 trabaho sa Germany ang bukas para sa Pilipino– DOLE 

7,000 trabaho sa Germany ang bukas para sa Pilipino– DOLE 

327
0
SHARE

May 7,000 bagong trabaho sa Germany na naghihintay para sa mga Pilipino. Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III, mas lalo pang darami ang mga oportunidad sa nasabing bansa kapag nagkaroon na ng labor agreements ang Pilipinas at Germany. (PIA-3)


 

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Aabot sa 7,000 mga trabaho sa bansang Germany ang bukas partikular sa mga manggagawang Pilipino, ayon kay Labor Secretary Secretary Silvestre Bello.

Partikular sa mga kailangan ay health workers, skilled workers, engineers, heavy equipment operators, at cooks.

Ayon sa kalihim, pinaplantsa na ng Pilipinas at Germany ang pagkakaroon ng dalawang labor agreements na lalo pang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa health workers, electrical engineers, mga manggagawa sa hotel at sanitation, gumagawa ng heating at air conditioning units, at nag-aalaga ng mga bata.

Target malagdaan ang nasabing labor agreements bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Malaki aniya ang posibilidad na maisakatuparan ang mga kasunduan dahil pinondohan ng Federal Republic of Germany ang pagkakaroon ng Geriatric Skills Laboratory sa Baliuag University sa Bulacan.

Ito’y upang maihanda ang mga Pilipinong nars na nais makapagtrabaho sa nasabing bansa.

Katulong sa pagtataguyod ng laboratoryong ito ang Triple Win-Global Skills Partnership Program na pinondohan naman ng Bertelsmann Stiftung Foundation.

Samantala, sinumang nagnanais na magsumite ng aplikasyon para sa mga nabanggit na trabaho sa Germany ay inaanyayahang mag-apply lamang sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, na kasalukuyang nasa transisyon sa pagiging Department of Migrant Workers. (MJSC/SFV/PIA-3)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here