Home Headlines 7 menor de edad dawit sa pagpatay

7 menor de edad dawit sa pagpatay

772
0
SHARE

GUIMBA, Nueva Ecija – Arestado ang isang 17-taong-gulang na binatilyo samantalang hinahanap pa ng pulisya ang anim pa niyang kasamahan na pawang menor de edad dahil sa diumano’y pagpatay sa isang 31-anyos na lalaki sa Barangay Nagpandayan ng bayang ito bandang alas-9:30 nitong gabi ng Martes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ar-Ar Lozano, namamasukan bilang helper at residente ng Barangay Sto. Cristo rito.

Ang naarestong suspek ay kinilala lamang sa alyas na “Ampoy.”
Sa testimonya ng kasamahan ng biktima sa pulisya, sakay sila ng isang motorsiklo
nang batuhin sila ni “Ampoy”.

Matapos raw nito ay isa sa mga kabataan ang sumaksak sa dibdib ng biktima gamit ang isang kutsilyo. 

Naisugod pa sa Guimba Community Hospital si Lozano ngunit idineklarang dead on arrival ng duktor, ayon sa pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na si “Ampoy” ay may dating alitan sa isa pang kasama ni Lozano sa motorsiklo nang oras na maganap ang insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here