Home Headlines 7 kilong marijuana susunugin

7 kilong marijuana susunugin

746
0
SHARE

Ang nakumpisang marijuana. Kuha ni Ernie Esconde



LUNGSOD
NG BALANGA — Nakatakdang sunugin ang halos pitong kilong pinatuyong dahon ng marijuana na nakumpiska sa Mariveles, Bataan kamakailan matapos magsagawa nitong Huwebes ng inspeksiyon ang Regional Trial Court dito.

Ayon kay RTC Branch 4 Presiding Judge Emmanuel Silva, ang pagbisita niya sa Bataan provincial crime laboratory ay bilang paghahanda para sa disposal ng nabanggit na mga dahon ng marijuana.

RTC Branch 4 Presiding Judge Emmanuel Silva. Kuha ni Ernie Esconde

May circular umano ang Korte Suprema tungkol sa inspeksiyon at pagsira sa mga nakukumpiskang illegal drugs lalo na kung ang timbang nito ay mahigit sa limang kilo.

“After the filing of the criminal case, the Court shall within 72 hours conduct an ocular inspection of the confiscated drugs and through PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) shall within 24 hours thereafter proceed with the destruction, burning of the same,” banggit ni Silva na isang bahagi ng circular.

“So right now, we are inspecting it and in accordance with the procedure of the crime laboratory the illegal drugs will be disposed and destroyed by PDEA,” dagdag ng hukom.

Ang mga marijuana, ani Silva, ay dadalhin upang sunugin sa opisina ng PDEA sa Angeles City kung saan may incinerator.

“Considering that in this case, the seized dangerous drugs weigh 6,857.814 grams of marijuana, the Bataan provincial crime laboratory is hereby directed to coordinate with PDEA after obtaining the required representative sample thereof and turnover of the remaining dangerous drugs subject of this case declared for destruction and disposition,” sabi ni Silva sa kanyang order.

Tinulungan si Silva sa kanyang inspeksiyon ng kanyang clerk of court Atty. Evangeline B. Antonio, legal researcher Precilla S. Salazar at sheriff Paladin E. Palad.

Sinabi ng hukom na ang akusadong si Mervin Morada, 25, ay naka-schedule for arraignment. Pansamantala ay nakakulong ito sa Bureau of Jail Management and Penology sa Mariveles.

Nahuli noong ika-2 ng Pebrero 2021 si Morada sa isang buy-bust na isinagawa ng Mariveles police at Bataan police provincial office sa ilalim ni provincial director Col. Joel Tampis at nasamsam ang nabanggit na halos pitong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Tinataya ng pulisya na aabot sa mahigit P800,000 ang halaga ng nasabing iligal na droga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here