Home Headlines 6 timbog sa operasyon kontra open dumpsite

6 timbog sa operasyon kontra open dumpsite

649
0
SHARE

BUSTOS, Bulacan – Anim katao ang arestado nang magsagawa ng special operation kontra open dumpsite ang NBI environmental crime division at DENR-EMB sa Barangay Tanawan dito.

Sa isang liblib na lugar sa naturang barangay nakita ng mga operatiba ang mga tonelada ng basura.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang NBI ng reklamo laban sa open dumpsite na pinapatakbo umano ng ng munisipyo ng Bustos.

Nasa apat na tonelada ng basura ang inabutan ng mga operatiba na kakabagsak lamang sa nasabing lugar. Nakita din doon ang backhoe na may logo ng munisipyo ng Bustos.

Inaresto naman ang anim na katao na dalawa dito ay empleyado ng munisipyo at apat ang nagtatrabaho sa barangay ng Tanawan.

Ayon sa NBI, maliwanag na paglabag sa R.A 9003 ang open dumpsite na ito. Walang nakitang tamang pasilidad ang mga operatiba para sa segragation ng basura na requirement sa isang materials recovery facility (MRF).

Kanilang iimbestigahan ang munisipyo ng Bustos hinggil sa reklamo habang sasampahan na ng kaukulang kaso ang mga naaresto na nasa kustodiya ngayon ng NBI.

Samantala, sa text message na ipinadala ni Bustos Mayor Arnel Mendoza, hindi daw open dumpsite ang nasabing lugar.

Aniya, transfer station ito ng waste ng bayan ng Bustos na dadalhin naman sa Metro Clark landfi ll sa Capas, Tarlac ang mga basura.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here