Home Headlines 6 timbog sa inuman sa NE

6 timbog sa inuman sa NE

813
0
SHARE

STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Kalaboso ngayon ang anim na lalaki matapos umanong maaktuhan na nag-iinuman sa isang resort sa Barangay Baloc dito  sa kabila ng umiiral na liqour ban dahil sa enhanced community quarantine nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Major Abraham Atencio, hepe ng pulisya, ang mga suspek na sina Ron Ducusin, 23; Manolito Miranda,35; Ronnie Marling, 25; Mark Daniel Mata, 21; Ruel Culanah,35; at Jaypee Quiñones, 19, pawang residente ng bayang ito. 

Ayon kay Atencio, isang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa pag-iinuman ng grupo na ipinagbabawal sa ilalim ng ECQ.

Nasa impluwensiya pa umano ng isipiritu ng alak ang mga suspek nang bitbitin ang mga ito sa presinto, matapos isailalim sa karampatang medical examination sa Sto. Domingo District Hospital ng pulisya.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Personin Authority or the Agents of Such Person) at RepublicAct 11332 o We Heal As One Act ang mga suspek.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here