5 patay sa anti-drug operations

    198
    0
    SHARE
    NORZAGARAY, Bulacan – Patay ang limang drug suspects sa Barangay FVR sa bayang ito matapos umanong na manlaban sa mga otoridad nang silbihan ng search warrant Linggo ng gabi.

    Dead on the spot ang mga suspek na kinilalang sina Richard Calonzo alyas White, Angel Ivano alyas Angel, Levi Mateo alyas Levi, Chito Talento alyas Totoy at isang babae na nakilala lamang sa pangalang Neneng Boxer.

    Sinasabing pawang mga nasa drug watchlist ang mga napatay na suspek.

    Ayon sa Norzagaray PNP, talamak na drug at gambling den ang bahay ng isa sa mga suspek kaya’t isang search warrant ang sinilbi dito ngunit papalapit pa lang ang pulis ay agad na daw may nagpaputok ng baril laban sa mga operatiba.

    Armado daw ng mga shotgun, revolver at granada ang mga suspek kayat napilitang gumanti ng putok ang kapulisan na nagresulta sa pagkamatay ng lima.

    Narekober sa crime scene ang tatlong improvised shotguns, isang long shotgun, .38 snub nose Smith & Wesson revolver, at isang metallic fragmentation grenade na hawak ng napatay na babae.

    Narekober din ang 1.2 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P12,000.

    Patuloy pa rin ang imbestigasyon at pagtugis sa nakatakas na suspek na sisilbihan din ng search warrant na si Wenceslao Cular alyas Abba.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here