5 empleyado nabiktima ng Salisi Gang sa Gapo
    Laptop, i-Phone tinangay

    567
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – “Huwag mag-iiwan ng mamahaling kagamitan at i-lock mabuti ang pintuan ng kuwarto ng hotel bago iwanan”.

    Ito ang paalala ng otoridad sa mga bakasyunista matapos mabiktima ng “Salisi Gang” ang limang empleyado ng Global Business Power Corporation sa Makati City na nag-check-in sa Grand Seas Resort sa Barangay Barretto sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Niadel Esguerra, Margarita Paulino, Reymunda Aida, Ma. Debie Madrana at Bernadette Ann Policarpio pawang empleyado ng nabanggit na kumpanya.

    Ayon sa ulat pagkatapos na mag-check-in ng mga biktima sa Room 102 at 105 ay nagtungo sila sa restaurant para maghapunan at sa kanilang pagpalik sa kuwarto ay wala na ang kanilang laptop, i-Phone at mga pera.

    Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang kuwarto ng mga biktima ay nabubuksan sa pamamagitan ng “electronic card”  na isu-swipe sa slots ng pintuan at wala rin makitang palatandaan na pwersahang binuksan ang pintuan.

    Ang mga biktima ay kasama sa may 60 empleyado ng Global Business Power Corporation na nag-check-in sa Grand Seas Resort para sa kanilang “team building”.

    Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hingil sa nasabing insidente.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here