4 Wanted tiklo

    315
    0
    SHARE
    OLONGAPO CITY—-Apat katao kabilang ang magkapatid na nasa talaan ng Wanted Persons ang bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (ZCIDT) at Olongapo City PNP sa patuloy na pagtugis ng pulisya laban sa mga wanted criminals.

    Nasakote ng mga pulis ang mga suspek na sina Orlan Paul Isidro, 26, residente ng Purok 5, Barangay New Cabalan dahil sa kasong paglabag sa sa Section 10(a), Article lV ng RA 7610 na may piyansang P80,000 para sa pansamantalang kalayaan nito, at Daril Figuroa, 29, ng Upper Sibul 1, Barangay East Bajac-Bajac na may kasong murder na walang piyansa.

    Huli naman sa Hanjin Ship Builder sa Barangay Cawag, Subic, Zambales ng team na pinamunuan ni ZCIDT provincial officer Senior Inspector Ferdinand Mendoza, ang magkapatid na Ariel Villaver, 33, at Joel Villaver, 28, pawang residente ng Sitio Kinabuksan, Barangay Cawag dahil sa kasong attempted murder.

    Ang magkapatid ay may kaukulang piyansang tig P120,000 para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here