SUBIC, Zambales – Apat na mangingisda ang dinakip ng Samahang Mangingisda ng Kabalikat ng Kabangaan, Barangay Cawag sa bayang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Reynaldo Midrano, 37, Charlie Ramos, 31, Joel Berasis, 46, at Noel Dumdum, 43, pawang mga residente ng Deferio St., Barangay Matain.
Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP Maritime nagsasagawa ng monitoring kaugnay sa napaulat na illegal fishing activities ang Samahang Mangingisda ng Kabalikat nang maispatan ang mga suspek gamit ang pinong lambat sa kanilang pangingisda sa may 200 metro ang layo mula sa dalampasigan ng Sitio Agusuhin, Barangay Cawag.
Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang bangkang de motor, isang set ng pinong lambat, apat na kilo ng maliliit na isda at ibat-ibang fishing paraphernalia.
Nabatid pa sa ulat na ang bangkang de motor na gamit ng mga suspek ay hindi rehistrado bilang isang fishing vessel.
Ang mga suspek ay ipagharap ng kasong paglabag sa Municipal Ordinance No. 21, Enacting Regulatory Ordinance No. 2010-02, not registered fishing vessel at Section 89 (use of fine mesh net) ng RA 8550 o the Philippine Fisheries Code of the Philippines.