4 bangka pinagkaloob sa mag-aaral sa coastal barangay ng Masantol

    69
    0
    SHARE
    MASANTOL, Pampanga —- Dahil sa mataas na bilang ng mga absences at dropouts sa isang paaralan sa coastal baranggay ay apat na school boats ang ipinagkaloob sa mga estudyante dito.

    Bakas sa mukha ang saya ng mga mag-aaral ng Tarik Suliman High School sa Masantol dahil sa apat na bangka ang ipinagkaloob ng libre ng Yellow Boat Foundation (YBF).

    Ayon kay Dr. Anton Lim, co-founder at pangulo ng YBF, mataas ang bilang ng mga estudyante na lumiliban sa klase maging ang mga drop-outs dahil sa kawalan ng masasakyan na bangka papasok ng paaralan.

    Ayon kay Lim, layunin nila na matulungan ang mga mag-aaral sa mga coastal barangay na nahihirapang magtungo sa kanilang paaralan sa kawalan ng masasakyang bangka mula sa kanilang tahanan.

    Ang apat na yellow school boats ay gagamitin ng mga estudyante papasok at pauwi mula sa paaralan sa minimal na gastos gaya ng bayad lamang sa gasolina.

    Ang YBF ay matagal nang namamahagi ng mga libreng bangkang de motor sa ibat ibang panig ng bansa upang makapagtapos ang mga batang estudyante na ang tanging means of transportation ay bangka.

    Karamihan sa mga mag-aaral ay nakikisakay lamang sa mga fishing boat upang makapasok sa paaralan at kapag nalampasan ay lumiliban na lamang sa klase.

    Iniuugnay ang mataas na drop out sa mga liblib at nakatira sa mga isla na barangayang kawalan ng masasakyan.

    Mataas na pagpapahalaga sa edukasyon ang nagtulak sa YBF upang magbigay ayuda sa nangangailangan ng bangkang masasakyan ng mga mag-aaral.

    Halos 30 estudyante ang kayang ilulan sa isang bangka.

    Ang inspirasyon daw ng grupo ay ang maiahon sa kahirapan ang mga tao at matutupad ito kung nakapag-aral ang isang indibidwal.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here