LUNGSOD NG MALOLOS – Arestado ang apat na kalalakihan kabilang ang isang guwardiya matapos tangkaing ibenta ang isang caliber 30 machine gun sa bayan ng San Rafael noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Supt. Baltazar Mamaril, tagapagsalita ng Central Luzon police, ang mga suspek ay nakilalang sina Conrad Esteban, 31, mula Bustos; Ronnie Del Rosario, 28, isang tricycle driver mula sa Valenzuela City; Marcelo Salvador, 42, isang security guard at nakatira sa bayan ng Baliuag; at Romeo Tolentino, 41, na nagmula rin sa Valenzuela City.
Ang mga suspek ay inaresto sa isang entrapment operation sa parking lot ng 8 Waves Resort sa bayan ng San Rafael bandang alas 7 ng gabi noong Biyernes.
Ayon sa ulat ng pulisya, tinangkang ibenta ng mga suspek sa isang police asset ang isang Browning Caliber 30 machine gun.
Ayon kay Mamaril, nabawi rin mula sa mga suspek ang isang tripod at linked ammunitions na may 420 bala para sa Caliber 30 machine gun bukod pa sa isang Armscor Caliber 45 pistola na may serial number 1133-722 at isang Taurus caliber 38 revolver na may serial number OG-87291.
Kinumpiska rin ng magkasanib na operatiba ng pulisya at military ang isang asul na Toyota Revo na may plakang XMP-922 at nakarehistro kay James Francisco ng Pasong Bangkal, San Rafael; isang berdeng Honda Civic ESI na may plakang UVS-717 na nakarehistro kay Nenita Plantilla ng Metrovilla Centro sa Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City.
Ang mga suspek ay nakatakdang kasuhan sa piskalya ng Bulacan dahil sa paglabag sa illegal possession of fire arms and ammunitions o paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree 1866 na inamyendahan ng Republic Act 8294.
Sa pakikipanayam sa telepono kay Mamaril, sinabi niya na patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung may kinalaman ang mga ito sa malalaking sindikato o kaya’y mga teroristang grupo.
“Operations is still on going as we are trying to verify other information gathered from the suspects,” aniya at sinabing hindi simpleng kaso ng gun running ang pagbebenta ng isang caliber 30 machine gun.