Home Headlines 36 baboy patay sa loob ng 4 na araw

36 baboy patay sa loob ng 4 na araw

804
0
SHARE
Photo grabbed from net

(Photo grabbed from web)

LUNGSOD NG MALOLOS — Patay ang 36 na baboy sa loob lamang ng apat na araw sa isang backyard raiser sa Barangay Santor dito.

Ayon kay Alejandro Roque, backyard raiser, nakitaan niya ng ilang araw na panghihina at hindi kumakain ang kanyang mga alaga hanggang sa mamatay ang mga ito.

Sinubukan pa niya itong gamutin ngunit namatay pa rin habang ang natitirang 56 pang mga alagang baboy ay nakitaan na rin ng mga panghihina.

Inilibing niya ang mga ito sa likod bahay at walang ginamit na disinfectant dahil hindi niya alam ang tamang paraan ng paglilibing sa mga baboy kapag ganitong may usapin ng African swine fever.

Nitong Martes ay nagtungo na doon ang kawani ng Department of Agriculture Region 3 at kinuhanan ng blood sample ang kanyang mga alagang baboy upang matukoy kung may kinalaman sa ASF ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

Samantalang hinaing ni Roque na sa loob ng apat na araw ng insidente ng sunod-sunod na pagkamatay ng kanyang mga alaga ay walang nagsasadya sa kaniya mula sa tanggapan ng provincial at city veterinary office.

Panawagan niya na sana ay kuhanin na ang kanyang mga alagang baboy upang maiwasan na kumalat pa ang sakit.

Samantalang hanggang sa ngayon ay wala pa rin nagpapaunlak ng panayam ang provincial veterinary office magmula nang mapabalita ang ASF sa Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here