Home Headlines 30 SCHOOL DAYS NAWALA DAHIL SA BAHA Alternative mode binabalangkas ng DepEd

30 SCHOOL DAYS NAWALA DAHIL SA BAHA
Alternative mode binabalangkas ng DepEd

683
0
SHARE

CALUMPIT, Bulacan – Inihahanda na ng Department of Education ang module sa 10 elementary school at isang high school sa bayang ito matapos mawalan ng mahigit 30 araw ng pagpasok dahil sa class suspensions na sanhi ng mga pag-ulan at pagbaha ngayong taon.

Ang mga paaralanng pang-elementarya ay ang Pascual O. Cruz Memorial, Bulusan, Panducot, Dona Damiana De Leon Macam, Frances, San Jose, Gugo, Arsenio Santos Memorial, Meyto, Linagit, at Francisco Mendoza Memorial.

Ang mataas na paaralan naman ay ang San Miguel-Meysulao High School.

Bumabalangkas na ng Alternative Mode of Education ang DepEd upang makahabol ang mga mag-aaral sa mahigit na 30 araw na nasuspindeng klase dulot ng mga pagbaha at makumpleto ang kabuuang number of school days sa buong taon.

Ayon kay Zenia Mostoles, school superintendent DepEd Bulacan, long term solution ang inihahanda ng kanilang tanggapan dahil ang nasabing bayan ay kahit wala nang bagyo at ulan ay binabaha pa rin.

Ang module o ang self-learning kits ay naglalaman ng regular na pinag-aaralan ng magaaral. Nakapaloob din dito ang magiging activities patungkol sa mga na-mis na aralin ng mga estudyante sa panahong nakansela ang pasok.

Kahit na ang mga bata ay hindi nakakapasok sa eskwelahan ay magtutuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagkakatuto sa kani-kanilang mga bahay.

Nilinaw pa ng DepEd na tuloy pa rin ang pasok kung Sabado bilang make-up classes kahit pa may module ng ginagamit ang mga estudyante.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here